Alam mong iingatan ka niya habang mag-kasama kayo. Alam mong ipagtatanggol ka niya kapag may nang-away sayo. Ipagsisigawan niyang mahal ka niya at ikaw lang ang nag-iisang babae sa buhay niya. Ipapakita sa buong mundo na kaya ka niyang ipaglaban kahit kanino. Ipapakilala ka sa magulang niya kasi gusto niya talagang maging bahagi ka ng buhay niya. Isasama ka sa mga lugar na alam niyang matutuwa ka. Ipaparamdam sayo na pag kasama mo siya, walang sinuman ang pwedeng umaway, manlait, at mag-alipusta sayo. Sasabihin niyang ingatan mo ang sarili mo kasi sa listahan ng mga taong nag-aalala sayo, siya ang nangunguna. Sasamahan ka niya sa lakad mo. Mag-aalala siya kapag di mo sinagot ang tawag niya. Mag-iisip siya ng mga bagay na pwedeng magpasaya sayo. Maglalambing siya kapag nagtatampo ka. Susuyuin ka niya kapag nagagalit ka. Aalamin niya kung anong nasa isip mo kasi ayaw niyang nababagabag ka.
Ilan lang sa mga bagay na naiparamdam niya sakin sa loob ng limang taon. At habang tumatagal, di yan nagbabagao. Imbes, nadadagdagan pa niya.
Ikaw? Naramdaman mo rin ba yan sakanya? Gaano ba tayo kamahal ng mga tao sa paligid natin? Sapat na ba yung salitang "Mahal kita" para mapatunayan yon? Aminin na nating kailangan rin ng EFFORT. Di naman kailangang araw-araw kayong mag-kasama. Basta alam niyo sa isa't-isa na tapat at nagmamahalan kayo ng tunay.
At nasasabi niyong "Walang Iwanan! Pangako.". ♥ ♥ ♥


No comments:
Post a Comment