- MVL
Sa mga lalake, masarap daw ang pakiramdam kapag may girlfriend, yung may ka-holding-hands ka, yung may kasama sa bawat lakad o mahahalagang bahagi ng buhay mo, yung may kilig factor na tuwing maiisip mo na sinabihan ka nya ng iloveyou ay daig mo pa ang smile ni John Lloyd na sinagot ni Bea.
Maraming dahilan kung bakit natin gusto magkaroon ng girlfriend, yung iba
out-of-curiosity
lang, yung iba naman para lang magkaroon ng maipagyayabang sa tropa –
“mga pre, syota ko pala”, yung iba naman para magkaroon ng inspirasyon
at gusto mabago ang direksyon sa buhay.
(note: wag gamitin ang word na "syota", pangit kasi pakinggan, girlfriend dapat)
Marami... Iba-iba... May mabuti at masamang intensyon. May nais ay panandalian at pangmatagalang relasyon.
Kapag sa panliligaw, ang mga lalake, todo sa panunuyo,
• andyan yung magtitipid at hindi kakain para lamang makabili ng tsokolate na hersheys o ferrero,
• makabili ng bouquet of flowers sa mall na nagkakahalagang 1 libo pero kung nagtitipid talaga ay makikipagsiksikan sa Dangwa,
• yung susunduin ang babae, yung tatanungin na “kumain ka na ba? Wag kang magpapagutom ha?” yung tipong daig pa ang tatay kung magbigay ng paalala.
• Yung bibitbitin ang bag na dala ni Girl kahit na ang laman lang naman ay lipstick at napkin, akala mo naman mabigat, pero dahil nga nagpapasikat ka, lahat gusto mo bitbitin.
Iba-iba ang paraan ng panliligaw, depende sa tipo ng babae, depende sa trip ng babae.
At eto na, ang pinakahihintay mo, nahulog ang kalooban ng babae sa’yo na isang masugid na manliligaw, nakuha mo na ang matamis nyang oo. Wag mong sayangin, ibigay mo ang buong pagmamahal mo hanggang sa pagtanda nyo.
Ang mga babae kasi, 99.84% dyan, gusto ng seryosong relasyon, ang mga lalake lang naman ang madalas na sumisira, kasi naman, may girlfriend ka na, tumitingin ka pa sa iba. Nakalimutan mo na ba yung paghihirap mo sa panliligaw sa girlfriend mo, nakalimutan mo na rin ba ang total amount ng nagastos mo sa pamasahe, sa bulaklak, sa tsokolate at kung anu-ano pang kapasikatan ang ginawa mo para mapaibig sya?
At eto, may nakilala ka lang na “chick”, laglag na agad ang brief mo at sasabihin mo sa sarili mong, “umiibig na naman ata ako”. Loko, infatuation lang yan, itulog mo nalang yan.
Yung iba kasi, kapag may chick daw, wow, astig, ang pogi ko, kulang nalang kapag naglalakad ka sa mall, ipagsigawan mo, “oops oops oops? Akala nyo celebrity, nagkakamali kayo!”
Hindi nasusukat ang kapogian ng isang lalake, sa dami ng kanyang chicks. Akala nyo lang Masaya, sa umpisa oo, kinikilig ka eh, ang pogi mong ^%^&%^% ka eh! Pero kapag dumating na yung moment na naboboring ka na, maiisip mo, gusto ko ng umuwi, namimiss ko na si GF. Naks, sweet mo ha!
Mas masarap sa piling ng GF, kasi kahit hindi ka maligo, dahil tinatamad ka, o sadyang mabantot ka lang talaga, ayos lang.. Kay chicks, naku, maligo ka sa pabango dapat.
Kay GF, kahit na 7 beses mo ng suot ang damit mo sa 7 araw nyong pagdi-date, ayos lang.. Mahal ka pa rin nyan.. Kay chicks, naku, dapat disposable ang mga damit mo.
Kay GF, kahit na ayain mo yan sa paotsin kasi wala ka ng pera, (hindi naman siguro 24/7 may laman ang wallet mo, mauubusan ka rin), ayos lang kay GF, ang importante kasi sa mga babae, hindi ang pagkain na meron kayo, kundi ang moment na magkasama kayo... Kay chicks, naku, City Buffet o Tong Yang o Yakimix dapat... (tapos pagpapawisan ka pag-bill-out na.)
Marami ang pagkakaiba ng girlfriend sa chicks.. Kaya ikaw na lalakeng nakakabasa nito, mag-isip-isip ka, kung may GF ka na, wag ka ng umariba ng iba.. Mas masarap pa rin sa piling ng girlfriend.
At ang chicks, babae din sila, maaari din silang mahulog sa’yo, sa bitag mo! Ay sa pagmamahal mo pala.. Pero sa huli, ang pipiliin mo rin naman si GF di’ba? Ano ang ginawa mo, sinaktan at pinaasa mo lang sila. Na sana kung ginawa mo nalang silang kaibigan mo, na wala kang intensyon na iba, sana minsan sa buhay mo, naging mabuting tao ka rin sa mata nila.
Wag mong piliin na maging parang love story sa pelikula ang buhay mo, na pare-pareho ang kinahantungan, iba-iba nga lang ang leading woman.
Spend time with your girlfriend, yung legal ha! Kasi ang buhay, mahiwaga, hindi mo alam kung kelan ito matatapos, kasi malay mo, isa sa naging chick mo, tapusin ang buhay mo. Naku lagot.
“Treat each day as if that will be your last day”
Mas masarap ang pagmamahal ng girlfriend.

No comments:
Post a Comment